Heathrow Airport is one of the few places in England you can be sure of seeing a gun. These guns are carried by policemen in short-sleeved shirts and black flak-jackets, alert for terrorists about to blow up Tie-Rack. They are unlikely to confront me directly, but if they do I shall tell them the truth. I shall state my business. I’m planning to stop at Heathrow Airport until I see someone I know. (...)
Astonishingly, I wait for thirty-nine minutes and don’t see one person I know. Not one, and no-one knows me. I’m as anonymous as the drivers with their universal name-cards (some surnames I know), except the drivers are better dressed. Since the kids, whatever I wear looks like pyjamas. Coats, shirts, T-shirts, jeans, suits; like slept-in pyjamas. (...)
I hear myself thinking about all the people I know who have let me down by not leaving early on a Tuesday morning for glamorous European destinations. My former colleagues from the insurance office must still be stuck at their desks, like I always said they would be, when I was stuck there too, wasting my time and unable to settle while Ally moved steadily onward, getting her PhD and her first research fellowship at Reading University, her first promotion.
Our more recent grown-up friends, who have serious jobs and who therefore I half expect to be seeing any moment now, tell me that home-making is a perfectly decent occupation for a man, courageous even, yes, manly to stay at home with the kids. These friends of ours are primarily Ally’s friends. I don’t seem to know anyone anymore, and away from the children and the overhead planes, hearing myself think, I hear the thoughts of a whinger. This is not what I had been hoping to hear.
I start crying, not grimacing or sobbing, just big silent tears rolling down my cheeks. I don’t want anyone I know to see me crying, because I’m not the kind of person who cracks up at Heathrow airport some nothing Tuesday morning. I manage our house impeccably, like a business. It’s a serious job. I have spreadsheets to monitor the hoover-bag situation and colour-coded print-outs about the ethical consequences of nappies. I am not myself this morning. I don’t know who I am. | Ang Heathrow Airport ay isa sa iilang lugar sa Inglatera kung saan sigurado kang makakakita ng baril. Ang mga baril na ito ay bitbit ng mga pulis na nakasuot ng mga kamiseta na maliliit ang manggas at itim na mga flak-jacket, nakaalerto laban sa mga teroristang handang magpasabog sa Tie-Rack. Malabong diretso nila akong sitahin, ngunit kung gagawin nila, sasabihin ko sa kanila ang katotohanan. Sasabihin ko ang aking layon. Nagpaplano akong dadaan sa Heathrow Airport hanggang makita ko ang taong kilala ko. (...) Sa aking pagtataka, naghihintay ako nang tatlumpo't siyam na minuto at hindi nakikita ang taong kilala ko. Walang sinuman, at ni isa walang nakakakilala sa akin. Ako ay kagaya ng mga drayber na walang identidad sa kanilang unibersal na mga tarheta ng pangalan (kilala ko ang ilang apelyido), maliban sa ang mga drayber ay nakadamit ng mas maaayos. Mula pagkabata, ano man ang suot ko ay parang padyama. Mga pangginaw, mga kamiseta, mga T-shirt, mga pantalong maong, mga terno; katulad ng pantulog na mga padyama. (...) Naririnig ko ang aking sarili na nag-iisip tungkol sa mga taong kilala ko na bumigo sa akin sa pamamagitan ng hindi pag-alis nang maaga sa umaga ng Martes para sa mga glamorosong destinasyon sa Europa. Ang aking mga dating kasamahan sa tanggapan ng insurance ay maaaring napako pa sa kanilang mga mesa, gaya ng palagi kong sinasabi na mangyayari sa kanila, noong napako rin ako roon, nagsayang ng aking oras at hindi nagawang mapanatag habang si Ally ay tuloy-tuloy na umuunlad, kumukuha ng kanyang Phd at ng kanyang unang iskolarsip sa pananaliksik sa Reading University, ang kanyang unang promosyon. Ang aming mas bagong mga kaibigang nasa gulang, na may mga mahahalagang trabaho at kaya hindi ko masyadong inaasahan na makikita sa anumang sandali ngayon, ay nagsasabi sa akin na ang pangangasiwa sa tahanan ay lubos na disenteng trabaho para sa isang lalake, matapang pa, oo, panlalake na manatili sa bahay kasama ng mga bata. Itong mga kaibigan namin ay pangunahing mga kaibigan ni Ally. Parang wala na akong kilala, at malayo sa mga bata at sa mga eroplanong nasa papawirin, nakakarinig sa aking sariling mag-isip, naririnig ko ang isipan ng isang nagrereklamo. Hindi ito ang inasahan kong marinig. Nagsisimula akong umiyak, hindi ngumingiwi o humihikbi, tanging malalaking tahimik na mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi. Hindi ko gustong makita akong umiiyak ng sinumang kilala ko, dahil hindi ako ang uri ng taong pumipiyok sa Heathrow Airport sa isang walang kwentang Martes ng umaga. Perpektong pinapangasiwaan ko ang aming pamamahay, gaya ng isang negosyo. Mahalaga itong trabaho. May mga talahanayan ako upang masubaybayan ang sitwasyon ng hoover-bag at sinisimbolohan ng kulay na mga imprenta ng mga dokumentong tungkol sa etikong mga konsekwensya ng mga lampin. Hindi ako ang aking sarili sa umagang ito. Hindi ko kilala kung sino ako.
|