Heathrow Airport is one of the few places in England you can be sure of seeing a gun. These guns are carried by policemen in short-sleeved shirts and black flak-jackets, alert for terrorists about to blow up Tie-Rack. They are unlikely to confront me directly, but if they do I shall tell them the truth. I shall state my business. I’m planning to stop at Heathrow Airport until I see someone I know. (...)
Astonishingly, I wait for thirty-nine minutes and don’t see one person I know. Not one, and no-one knows me. I’m as anonymous as the drivers with their universal name-cards (some surnames I know), except the drivers are better dressed. Since the kids, whatever I wear looks like pyjamas. Coats, shirts, T-shirts, jeans, suits; like slept-in pyjamas. (...)
I hear myself thinking about all the people I know who have let me down by not leaving early on a Tuesday morning for glamorous European destinations. My former colleagues from the insurance office must still be stuck at their desks, like I always said they would be, when I was stuck there too, wasting my time and unable to settle while Ally moved steadily onward, getting her PhD and her first research fellowship at Reading University, her first promotion.
Our more recent grown-up friends, who have serious jobs and who therefore I half expect to be seeing any moment now, tell me that home-making is a perfectly decent occupation for a man, courageous even, yes, manly to stay at home with the kids. These friends of ours are primarily Ally’s friends. I don’t seem to know anyone anymore, and away from the children and the overhead planes, hearing myself think, I hear the thoughts of a whinger. This is not what I had been hoping to hear.
I start crying, not grimacing or sobbing, just big silent tears rolling down my cheeks. I don’t want anyone I know to see me crying, because I’m not the kind of person who cracks up at Heathrow airport some nothing Tuesday morning. I manage our house impeccably, like a business. It’s a serious job. I have spreadsheets to monitor the hoover-bag situation and colour-coded print-outs about the ethical consequences of nappies. I am not myself this morning. I don’t know who I am. | Ang Heathrow Airport ay isa sa mga kakaunting lugar sa England kung saan tiyak na makakakita ka ng baril. Ang mga baril na ito ay hawak ng mga pulis na nakasuot ng polo na maikli ang manggas at itim na tsaleko na hindi tinatablan ng bala, na alisto sa mga teroristang handang magpasabog sa Tie-Rack. Malamang na hindi nila akong tahasang tanungin, ngunit kapag ginawa nila ito, sasabihin ko sa kanila ang katotohanan. Sasabihin ko ang aking pakay. Plano kong manatili sa Heathrow Airport hanggang sa may makita akong kakilala ko. (...) Nakapagtataka na tatlumpu’t siyam na minuto na akong naghihintay ngunit wala pa rin akong nakikita ni isang tao na kilala ko. Wala ni isa, at walang sinuman ang nakakakilala sa akin. Para lang akong isa sa mga drayber na may hawak ng mga tradisyunal na plakard na may nakasulat na pangalan (pamilyar sa akin ang ilang apelyido), yun nga lang mas maayos ang bihis nila. Mula nang magkaanak, kahit na anong isuot ko ay para na lang pantulog. Mapa-jacket, kamiseta, t-shirt, pantalon, amerikana; para lang pantulog. (...) Naririnig ko ang sarili ko na nag-iisip tungkol sa mga taong kilala ko na nakadismaya sa akin dahil hindi sila umalis nang maaga isang Martes na papunta kami sa mga glamorosong lugar sa Europa. Marahil maging ang dati kong mga ka-trabaho sa kumpanya ng insurance ay nandun pa rin sa mga mesa nila, tulad ng parati kong sinasabi noong nandun pa ako, nagsasayang ng oras at hindi makalagay sa ayos habang si Ally ay sige lang sa pagpursige na makuha ang kanyang PhD at ang kanyang unang research fellowship sa Reading University, ang kanyang unang promosyon. Para sa mga bago lang naming kaibigan na may mga matitinong trabaho at halos inaasahan kong makikita sa mga sandaling ito, ang pagiging maybahay ay isang marangal na trabaho para sa isang lalaki, magiting daw, at oo lalaking-lalaki ang manatili sa bahay kasama ang mga anak. Halos mga kaibigan ni Ally ang mga kaibigan naming ito. Parang wala na akong kakilala, at habang malayo sa mga bata at sa ingay ng eroplano, habang pinapakinggan ko ang aking sarili, naririnig ko ang tinig ng isang reklamador. Hindi ito ang inaasahan kong marinig. Nagsimula akong umiyak nang hindi bumubusangot at humihikbi, pumapatak lang ang tahimik at maraming kong luha. Ayokong makita ako na umiiyak ng kahit na sinong kakilala ko, dahil hindi ako ang tipo ng tao na bigla na lang umaatungal sa gitna ng Heathrow Airport isang ordinaryong Martes. Hindi mapupulaan ang pamamahala ko sa bahay, parang isang negosyo. Seryoso itong trabaho. Meron akong mga spreadsheet para subaybayan ang kalagayan ng mga bag para sa vaccum cleaner, meron din akong mga de-kulay na print-out tungkol sa mga epekto ng mga diaper sa moralidad. Wala ako sa aking sarili ngayong umaga. Hindi ko kilala ang sarili ko.
|