Competition in this pair is now closed. Source text in English Heathrow Airport is one of the few places in England you can be sure of seeing a gun. These guns are carried by policemen in short-sleeved shirts and black flak-jackets, alert for terrorists about to blow up Tie-Rack. They are unlikely to confront me directly, but if they do I shall tell them the truth. I shall state my business. I’m planning to stop at Heathrow Airport until I see someone I know. (...)
Astonishingly, I wait for thirty-nine minutes and don’t see one person I know. Not one, and no-one knows me. I’m as anonymous as the drivers with their universal name-cards (some surnames I know), except the drivers are better dressed. Since the kids, whatever I wear looks like pyjamas. Coats, shirts, T-shirts, jeans, suits; like slept-in pyjamas. (...)
I hear myself thinking about all the people I know who have let me down by not leaving early on a Tuesday morning for glamorous European destinations. My former colleagues from the insurance office must still be stuck at their desks, like I always said they would be, when I was stuck there too, wasting my time and unable to settle while Ally moved steadily onward, getting her PhD and her first research fellowship at Reading University, her first promotion.
Our more recent grown-up friends, who have serious jobs and who therefore I half expect to be seeing any moment now, tell me that home-making is a perfectly decent occupation for a man, courageous even, yes, manly to stay at home with the kids. These friends of ours are primarily Ally’s friends. I don’t seem to know anyone anymore, and away from the children and the overhead planes, hearing myself think, I hear the thoughts of a whinger. This is not what I had been hoping to hear.
I start crying, not grimacing or sobbing, just big silent tears rolling down my cheeks. I don’t want anyone I know to see me crying, because I’m not the kind of person who cracks up at Heathrow airport some nothing Tuesday morning. I manage our house impeccably, like a business. It’s a serious job. I have spreadsheets to monitor the hoover-bag situation and colour-coded print-outs about the ethical consequences of nappies. I am not myself this morning. I don’t know who I am. | The winning entry has been announced in this pair.There were 4 entries submitted in this pair during the submission phase. The winning entry was determined based on finals round voting by peers.
Competition in this pair is now closed. | Ang Paliparan ng Heathrow ay isa sa ilang mga lugar sa Inglatera kung saan makakasiguro kang makakita ng baril. Ang mga baril na ito ay bitbit ng mga alagad ng batas na nakasuot ng kamiseta at itim na flak jacket, alerto sa mga terorista na handang pasabugin ang Tie Rack anumang oras. Malabong mangyari na komprontahin nila ako nang direkta, ngunit kung gagawin nila iyon, sasabihin ko sa kanila ang katotohanan. Ilalahad ko ang aking layunin. Binabalak kong manatili sa Paliparan ng Heathrow hanggang sa makakita ako ng taong kakilala ko. (...) Kamangha-mangha, naghintay ako ng tatlumpu't siyam na minuto at hindi nakakita ng kahit na isang taong kakilala ko. Wala kahit isa, at walang sinumang nakakakilala sa akin. Hindi ako nakikilala ng sinuman, tulad ng mga tsuper na mayroong panlahatang name-card (na ang ilang mga apelyido ay kilala ko), ako ay hindi kilala, ang kaibahan lamang ay na ang mga tsuper ay nakadamit nang mas maayos. Simula nang magkaroon ng mga bata sa bahay, anumang isuot ko ay mukhang pantulog. Amerikana, polo, t-shirt, maong, terno; tila ba pantulog na paulit-ulit nang naisuot at hindi na pinalitan pagkagising. (...) Naririnig ko ang sarili kong nag-iisip tungkol sa lahat ng mga taong kilala ko na binigo ako sa hindi pag-alis nang maaga, isang Martes ng umaga para sa isang glamorosong destinasyon sa Europa. Ang aking mga dating katrabaho mula sa opisina ng pagseseguro ay malamang na nakapako pa rin sa kanilang mga mesa, tulad ng palagi kong sinasabing mangyayari sa kanila, nang nakapako pa rin ako doon, sinasayang ang aking oras at hindi mapakali habang si Ally ay patuloy na sumusulong, tinanggap ang kaniyang PhD at ang kaniyang unang libreng pag-aaral para sa pagsasaliksik sa Reading University, ang kaniyang unang promosyon. Ang aming pinakabagong mga kaibigan, na mayroong seryosong trabaho at, dahil doon ay inaasahan kong makita anumang sandali sa ngayon, ay nagsabi sa akin na ang pangangalaga ng sambahayan ay isang tunay na disenteng gawain para sa isang lalaki, isang kagitingan pa nga, oo, katunayan ng pagiging lalaki ang manatili sa tahanan kasama ng mga bata. Ang mga kaibigan naming ito ay karamihan mga kaibigan ni Ally. Tila wala na akong kilalang iba pa sa ngayon, at malayo sa mga bata at sa mga eroplano sa ibabaw ng aking ulo, naririnig ang sarili kong nag-iisip, naririnig ko ang kaisipan ng isang reklamador. Hindi ito ang ninanais kong marinig. Nagsimula akong umiyak, hindi isang paghikbi o pagtangis, ngunit tahimik, masaganang mga luha lamang na dumadausdos sa aking pisngi. Hindi ko nais na makita ako ng sinumang kakilala ko na lumuluha, dahil hindi ako ang tipo ng tao na bibigay at papalahaw sa paliparan ng Heathrow sa isang ordinaryong Martes ng umaga. Pinamamahalaan ko ang aming tahanan nang walang mintis, na tila isang negosyo. Ito ay isang seryosong trabaho. Mayroon akong mga spreadsheet upang subaybayan ang kalagayan ng bag ng aming vacuum cleaner at naka-color code na mga artikulo tungkol sa etikal na konsekwensya ng mga diaper. Hindi ako ang taong ito ngayong umaga. Hindi ko kilala kung sino ako.
| Entry #6460
Winner Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
28 | 6 x4 | 2 x2 | 0 |
- 1 user entered 1 "like" tag
- 3 users agreed with "likes" (3 total agrees)
- 3 users entered 10 "dislike" tags
- 5 users agreed with "dislikes" (17 total agrees)
- 3 users disagreed with "dislikes" (15 total disagrees)
-2 +3 1 makakasiguro kang makakita ng baril | Syntax should be: kung saan sigurado kang makakakita... | Ma. Unica Real Encinares | |
-2 +2 1 Malabong mangyari na komprontahin nila ako | Mistranslations Malabong mangyari ='nag-aalinlangan sila na komprontahin nila ng... | Judy Almodovar | |
-1 +3 ang kaibahan lamang ay na ang mga tsuper ay nakadamit nang mas maayos. | Syntax does not flow well | Ma. Unica Real Encinares | |
-2 +3 2 Ang mga kaibigan naming ito ay karamihan mga kaibigan ni Ally | Syntax Karamihan sa mga kaibigan naming ito ay kaibigan ni Ally. | Ma. Unica Real Encinares | |
| Ang Heathrow Airport ay isa sa mga kakaunting lugar sa England kung saan tiyak na makakakita ka ng baril. Ang mga baril na ito ay hawak ng mga pulis na nakasuot ng polo na maikli ang manggas at itim na tsaleko na hindi tinatablan ng bala, na alisto sa mga teroristang handang magpasabog sa Tie-Rack. Malamang na hindi nila akong tahasang tanungin, ngunit kapag ginawa nila ito, sasabihin ko sa kanila ang katotohanan. Sasabihin ko ang aking pakay. Plano kong manatili sa Heathrow Airport hanggang sa may makita akong kakilala ko. (...) Nakapagtataka na tatlumpu’t siyam na minuto na akong naghihintay ngunit wala pa rin akong nakikita ni isang tao na kilala ko. Wala ni isa, at walang sinuman ang nakakakilala sa akin. Para lang akong isa sa mga drayber na may hawak ng mga tradisyunal na plakard na may nakasulat na pangalan (pamilyar sa akin ang ilang apelyido), yun nga lang mas maayos ang bihis nila. Mula nang magkaanak, kahit na anong isuot ko ay para na lang pantulog. Mapa-jacket, kamiseta, t-shirt, pantalon, amerikana; para lang pantulog. (...) Naririnig ko ang sarili ko na nag-iisip tungkol sa mga taong kilala ko na nakadismaya sa akin dahil hindi sila umalis nang maaga isang Martes na papunta kami sa mga glamorosong lugar sa Europa. Marahil maging ang dati kong mga ka-trabaho sa kumpanya ng insurance ay nandun pa rin sa mga mesa nila, tulad ng parati kong sinasabi noong nandun pa ako, nagsasayang ng oras at hindi makalagay sa ayos habang si Ally ay sige lang sa pagpursige na makuha ang kanyang PhD at ang kanyang unang research fellowship sa Reading University, ang kanyang unang promosyon. Para sa mga bago lang naming kaibigan na may mga matitinong trabaho at halos inaasahan kong makikita sa mga sandaling ito, ang pagiging maybahay ay isang marangal na trabaho para sa isang lalaki, magiting daw, at oo lalaking-lalaki ang manatili sa bahay kasama ang mga anak. Halos mga kaibigan ni Ally ang mga kaibigan naming ito. Parang wala na akong kakilala, at habang malayo sa mga bata at sa ingay ng eroplano, habang pinapakinggan ko ang aking sarili, naririnig ko ang tinig ng isang reklamador. Hindi ito ang inaasahan kong marinig. Nagsimula akong umiyak nang hindi bumubusangot at humihikbi, pumapatak lang ang tahimik at maraming kong luha. Ayokong makita ako na umiiyak ng kahit na sinong kakilala ko, dahil hindi ako ang tipo ng tao na bigla na lang umaatungal sa gitna ng Heathrow Airport isang ordinaryong Martes. Hindi mapupulaan ang pamamahala ko sa bahay, parang isang negosyo. Seryoso itong trabaho. Meron akong mga spreadsheet para subaybayan ang kalagayan ng mga bag para sa vaccum cleaner, meron din akong mga de-kulay na print-out tungkol sa mga epekto ng mga diaper sa moralidad. Wala ako sa aking sarili ngayong umaga. Hindi ko kilala ang sarili ko.
| Entry #6932
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
16 | 2 x4 | 3 x2 | 2 x1 |
- 3 users entered 9 "dislike" tags
- 5 users agreed with "dislikes" (19 total agrees)
- 2 users disagreed with "dislikes" (6 total disagrees)
-1 +3 1 isang Martes na papunta kami sa mga glamorosong lugar sa Europa | Mistranslations he was not supposed to be included in the "expected trip" | EnTG-Translator | |
+2 hindi makalagay sa ayos | Other does not flow well, poor word choice | EnTG-Translator | |
+2 sige lang sa pagpursige | Mistranslations poor translation. | P Waters | |
-1 +2 1 ang pagiging maybahay | Omission where is 'tell me that...'before homemaking | P Waters | |
-1 +1 1 magiting daw | Mistranslations courageous even is not magiting daw. | P Waters | |
-1 +1 1 at oo | Other surely there is no 'and' in the source | P Waters | |
| Ang Heathrow Airport ay isa sa iilang lugar sa Inglatera kung saan sigurado kang makakakita ng baril. Ang mga baril na ito ay bitbit ng mga pulis na nakasuot ng mga kamiseta na maliliit ang manggas at itim na mga flak-jacket, nakaalerto laban sa mga teroristang handang magpasabog sa Tie-Rack. Malabong diretso nila akong sitahin, ngunit kung gagawin nila, sasabihin ko sa kanila ang katotohanan. Sasabihin ko ang aking layon. Nagpaplano akong dadaan sa Heathrow Airport hanggang makita ko ang taong kilala ko. (...) Sa aking pagtataka, naghihintay ako nang tatlumpo't siyam na minuto at hindi nakikita ang taong kilala ko. Walang sinuman, at ni isa walang nakakakilala sa akin. Ako ay kagaya ng mga drayber na walang identidad sa kanilang unibersal na mga tarheta ng pangalan (kilala ko ang ilang apelyido), maliban sa ang mga drayber ay nakadamit ng mas maaayos. Mula pagkabata, ano man ang suot ko ay parang padyama. Mga pangginaw, mga kamiseta, mga T-shirt, mga pantalong maong, mga terno; katulad ng pantulog na mga padyama. (...) Naririnig ko ang aking sarili na nag-iisip tungkol sa mga taong kilala ko na bumigo sa akin sa pamamagitan ng hindi pag-alis nang maaga sa umaga ng Martes para sa mga glamorosong destinasyon sa Europa. Ang aking mga dating kasamahan sa tanggapan ng insurance ay maaaring napako pa sa kanilang mga mesa, gaya ng palagi kong sinasabi na mangyayari sa kanila, noong napako rin ako roon, nagsayang ng aking oras at hindi nagawang mapanatag habang si Ally ay tuloy-tuloy na umuunlad, kumukuha ng kanyang Phd at ng kanyang unang iskolarsip sa pananaliksik sa Reading University, ang kanyang unang promosyon. Ang aming mas bagong mga kaibigang nasa gulang, na may mga mahahalagang trabaho at kaya hindi ko masyadong inaasahan na makikita sa anumang sandali ngayon, ay nagsasabi sa akin na ang pangangasiwa sa tahanan ay lubos na disenteng trabaho para sa isang lalake, matapang pa, oo, panlalake na manatili sa bahay kasama ng mga bata. Itong mga kaibigan namin ay pangunahing mga kaibigan ni Ally. Parang wala na akong kilala, at malayo sa mga bata at sa mga eroplanong nasa papawirin, nakakarinig sa aking sariling mag-isip, naririnig ko ang isipan ng isang nagrereklamo. Hindi ito ang inasahan kong marinig. Nagsisimula akong umiyak, hindi ngumingiwi o humihikbi, tanging malalaking tahimik na mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi. Hindi ko gustong makita akong umiiyak ng sinumang kilala ko, dahil hindi ako ang uri ng taong pumipiyok sa Heathrow Airport sa isang walang kwentang Martes ng umaga. Perpektong pinapangasiwaan ko ang aming pamamahay, gaya ng isang negosyo. Mahalaga itong trabaho. May mga talahanayan ako upang masubaybayan ang sitwasyon ng hoover-bag at sinisimbolohan ng kulay na mga imprenta ng mga dokumentong tungkol sa etikong mga konsekwensya ng mga lampin. Hindi ako ang aking sarili sa umagang ito. Hindi ko kilala kung sino ako.
| Entry #6434
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
12 | 2 x4 | 1 x2 | 2 x1 |
- 1 user entered 1 "like" tag
Hindi ako ang aking sarili sa umagang ito. Hindi ko kilala kung sino ako. | Flows well | Ma. Unica Real Encinares No agrees/disagrees | |
- 4 users entered 24 "dislike" tags
- 6 users agreed with "dislikes" (31 total agrees)
- 3 users disagreed with "dislikes" (7 total disagrees)
-1 1 Malabong | Other should be 'Malamang na hindi' | P Waters | |
-1 +1 1 dadaan sa Heathrow Airport hanggang makita ko ang taong kilala ko | Mistranslations "I plan to pass by... until I see the person I know"? | EnTG-Translator | |
| Mistranslations dadaan is 'passing by' | P Waters | |
+2 Sa aking pagtataka, naghihintay ako nang tatlumpo't siyam na minuto at hindi nakikita ang taong kilala ko. | Mistranslations ..hindi ako nakakita ng taong KAKILALA ko. | Ma. Unica Real Encinares | |
+2 1 hindi nakikita ang taong kilala ko | Mistranslations "cannot see the person I know"? | EnTG-Translator | |
| Mistranslations tsuper sather drayber which is a poor choice of term | P Waters | |
-1 +1 1 identidad | Mistranslations transliteration, "uncommon" Tagalog term if it even exists | EnTG-Translator | |
| Mistranslations pagkakakilanlan is the term for it | P Waters | |
unibersal na mga tarheta ng pangalan | Mistranslations transliteration | EnTG-Translator No agrees/disagrees | |
+2 1 unibersal | Syntax magkakapareho is the term for it | P Waters | |
-2 +1 2 Mula pagkabata | Mistranslations Since (my) childhood...? | EnTG-Translator | |
| Mistranslations this means 'since they had kids' | P Waters | |
-1 1 glamorosong | Mistranslations not translated in proper tagalog | P Waters | |
napako pa | Grammar errors incorrect verb tense | EnTG-Translator No agrees/disagrees | |
noong napako rin ako roon | Grammar errors incorrect verb tense | EnTG-Translator No agrees/disagrees | |
-1 +1 2 iskolarsip | Mistranslations I'm not sure if this is an attempt for transliteration or misspelling | EnTG-Translator | |
hindi ngumingiwi | Mistranslations Poor word choice | EnTG-Translator No agrees/disagrees | |
+2 1 sinisimbolohan ng kulay na mga imprenta ng mga dokumentong | Mistranslations poor word choice | EnTG-Translator | |
| Ang Heathrow Airport ang isa sa mga ilang lugar sa Ingglatera na makakatiyak ka na kakikitaan ng baril. Kipkip ang mga baril na ito ng mga pulis na naka-maiikling-manggas na poloshirt at itim na mga flak-dyaket, alerto sa mga teroristang makapagpapasabog ng Tie-Rack. Malamang na hindi nila ako tuwirang sisitahin, subalit kung gagawin nila ay sasabihin ko sa kanila ang totoo. Ihahayag ko ang aking pakay. Pinaplano kong magtagal sa Heahtrow Airport hanggang sa makita ko ang taong kilala ko. (...) Kataka-taka, naghihintay ako ng tatlumpu’t siyam na minuto at wala akong makitang kakilala. Wala ni isa, at walang nakakakilala sa akin. Katulad ako ng walang-pangalang mga tsuper na suot ang kanilang unibersal na name-cards (ang ilang apelyido ay pamilyar sa akin), maliban sa ang mga tsuper ay mas maganda ang kasuotan. Mula pa sa pagkabata ko, anuman ang aking maisuot ay mukhang padyama. Ang mga Amerikana, polo, T-shirt, maong, terno, ay katulad ng pantulog na padyama. (...) Naulinigan ko na lamang ang aking sarili na nag-iisip tungkol sa lahat ng mga taong kakilala ko na di ko ikinasiya ang hindi paglisan nang maaga isang Martes para sa mga kahali-halinang destinasyon sa Europa. Ang mga dati kong kasamahan sa opisina ng seguro ay talî pa rin malamang sa kanilang mga mesa, tulad ng nasabi ko sa kasasapitan nila, nang matali din ako roon, nagsasayang ng oras at hindi mapalagay habang si Ally ay patuloy ang pag-asenso, nakapagtapos ng kanyang PhD at ng kanyang unang fellowship sa pananaliksik sa Reading University, ang una niyang promosyon. Ang aming nagsitanda nang mga kaibigan kamakailan lamang, na may mga maseselang trabaho at kung sa gayon, ay hindi ko inaasahang makakatagpo sa anumang oras ngayon, ang nagsabi sa akin na ang gawaing-pantahanan ay isang ganap na disenteng trabaho para sa isang lalaki, matapang man, oo, maka-lalaki ang manatili sa tahanan kasama ang mga bata. Ang mga kaibigan naming ito ay matatalik na mga kaibigan ni Ally. Pakiramdam ko hindi ko na kilala ang kahit sinuman, at habang malayo sa mga bata at pumararaang mga eroplano sa himpapawid, nauulinigan ko ang sarili sa pag-iisip, ako ay nakaririnig ng pag-iisip ng isang batang umiingit. Hindi ito ang inaasahan kong maulinigan. Napaiyak ako, hindi iyong napangingiwi o humihikbi, tahimik na pagdausdos lamang ng malalaking patak ng luha sa aking mga pisngi. Ayaw kong makita ninuman ang aking pag-iyak, hindi kasi ako yaong taong basta na lang bumibigay nang walang kadahi-dahilan sa Heathrow airport isang Martes ng umaga. Pinatatakbo ko ang aming pamamahay nang pulido, na parang isang negosyo. Ito’y isang napakaselang trabaho. Mayroon akong spreadsheets sa pagsubaybay ng kalagayan ng hoover-bag at kowd na de-kulay ng print-outs tungkol sa mga kasasapitang etikal ng mga nappies. Wala ako sa aking sarili ngayong umaga. Hindi ko mawari ang sarili ko.
| Entry #6992
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
8 | 1 x4 | 1 x2 | 2 x1 |
- 2 users entered 2 "like" tags
- 2 users agreed with "likes" (2 total agrees)
- 5 users entered 19 "dislike" tags
- 9 users agreed with "dislikes" (33 total agrees)
- 3 users disagreed with "dislikes" (8 total disagrees)
+3 1 flak-dyaket | Mistranslations should be translated properly | P Waters | |
-1 +1 1 pamilyar | Mistranslations surely there's a Tagalog word | Marcus Malabad | |
+2 maliban sa ang mga tsuper ay mas maganda ang kasuotan | Syntax awkward (maliban sa mas magandang suot ng...) | Marcus Malabad | |
-2 +3 1 Mula pa sa pagkabata ko | Mistranslations The source talks about when they got kids | EnTG-Translator | |
-1 +2 2 Mula pa sa pagkabata ko | Mistranslations misunderstanding of the source text | P Waters | |
-1 +1 1 lamang | Other surely 'only' is not present in the source text | P Waters | |
nasabi ko sa kasasapitan | Syntax shouldn't "sa" be "na"? (otherwise phrasing is elegant) | Marcus Malabad No agrees/disagrees | |
| Syntax "nang matali din" should be "noong nakatali din ako.." | Marcus Malabad | |
-1 +2 1 nakapagtapos | Mistranslations nakapagtapos is past tense while the source test is present tense | Judy Almodovar | |
| Mistranslations poor word choice | P Waters | |
| Other this is not in the source text | P Waters | |
-1 +2 1 Pakiramdam ko hindi ko na kilala ang kahit sinuman | Inconsistencies poor translation | P Waters | |
+2 kowd na de-kulay ng print-outs | Mistranslations poor word choice | EnTG-Translator | |
| | | | | X Sign in to your ProZ.com account... | | | | | | ProZ.com translation contestsProZ.com translation contests offer a fun way to take a break from your normal routine while testing and honing your skills with fellow translators.
ProZ.com Translation Contests. Patent pending. |